Assignment: CIVIL CODE OF THE PHILIPPINES (R.A. No. 386) - Tagalog translation
- Kid Bernabe C. Abay-abay
- Aug 7, 2017
- 2 min read

Below is the Tagalog translation of R.A. No. 386 - Civil Code of the Philippines (Articles 1-16)
Article 1. Ang batas na ito ay kinikilala bilang "Sibil na Kodigo ng Pilipinas."
Article 2. Ang batas ay magkakaroon ng bisa, labing limang araw (15) matapos ang kumpletong paglathala sa Opisyal na Pahayagan (Official Gazette) o Pahayagang pang nasyonal, liban sa itinakda ng batas. Ang kodigong ito ay magkakaroon ng bisa, isang taon matapos i-anunsyo. (Na amyendahan ng E.O. 200)
Article 3. Ang kamangmangan sa batas ay hindi isinasantabi ang sinuman sa pagsunod nito.
Article 4. Ang batas ay hindi magkakaroon ng pabago-bagong epekto liban na lamang kung ito ay isaad.
Article 5. Ang isinagawang panukala laban sa probisyon ng batas ay walang bisa, maliban kung ang batas mismo ay pinapayagan ito.
Article 6. Ang karapatan ay maaring iurong maliban kung ito ay salungat sa batas, pampublikong kaayusan, pampublikong patakaran, moral at mabuting kaugalian at walang pagkiling sa taong kinikilala ng batas.
Article 7. Ang batas ay napapawalang bisa lamang kung ito ay may paglabag o di pagsunod sa nakasaad.
Article 8. Ang desisyon ng hukuman o pagpapaliwanag ng mga batas o Konstitusyon ay dapat base o galing sa Legal na Sistema ng Pilipinas.
Article 9. Walang sinumang hukom o hukuman ang pwedeng tumanging magbigay ng husga dahil sa hindi pagsalita, hindi malinaw o kakulanagn sa batas.
Article 10. Kung may duda sa interpretasyon o pagpapatupad ng mga batas. Ipinagpapalagay na ang mga gumawa nito ay nakatuon lamang sa karapatan at hustisya.
Article 11. Ang mga tradisyon na salungat sa batas, pampublikong kaayusan at patakaran ay hindi dapat kilalanin
Article 12. Ang tradisyon ay dapat patunayan o patotohanan ayon sa batas at alituntunin ng katibayan.
Article 13. Kapag sinabi ng batas na taon, buwan, araw o gabi, ito ay nagpapabatid na sa taon, ang bilang ay tatlong daan animnapu't limang (365)araw bawat isa; sa buwan, ito ay tatlumpung (30) araw; sa araw ay may dalawampu't apat (24) na oras ; at sa gabi, ay magsisimula sa paglubog ng araw hanggang sa pagsikat nito.
Article 14. Ang batas sa pagpaparusa tulad ng pampublikong seguridad at kaligtasan ay inu-obliga ang lahat; pansamantalang pumupunta o ang mga mismong naninirahan sa teritoryo ng Pilipinas, na sakop ang prinsipyo ng pampublikong internasyonal na batas at napagkasunduang kondisyon.
Article 15. Batas na kaugnay sa karapatan at tungkulin ng pamilya o ang kalagayan, kondisyon at mga legal na kapasidad ng tao ay may bisa sa mga mamamayan ng Pilipinas kahit na ito ay naninirahan sa ibang bansa.
Article 16. Ang mga ari-arian kasama ng personal na pag-aari ay nakapaloob sa batas ng bansa kung nasaan ito.
Gayun paman, ang manang nakasaad sa testamento o hindi, ay dapat kilalanin ang nais ng tagapagmana, ang halaga na nakapaloob at ang probisyon na nakasaad, ito ay kailangang pamahalaan ng batas nasyonal ng tagapagmana maging ano man ang uri ng pag-aari, at kung saan man ito matatagpuan.
Comentários